Sabi sa akin ni friend Kiro na wala na daw yung blog ni yummy Iurico (may yummy talaga sa unahan?? kras ko siya eh) siguro mga mag-one month na.. Hinintay ko pa naman yung last installment ng kanyang serye sa PnP.
Hay, tapos, siya lang ang isa sa limang blogs na binack-read ko ng bongang bongga. Like, up to the first post with matching readings sa mga komento. Oha. May duda pa ba na crush ko talaga siya? :D
Ayun. Speculation lang ni friend kung bakit nangyari yun kasi nasabi ni yummy sa blog niya: (non-verbatim)
This blog will cease to operate the moment my identity gets compromised.
Ayun. Baka nga daw may nakadiskubre. Sad as it is.
Namimiss ko rin si Mandaya. Pareho kasi kami ng lupang sinilangan. Me ganon? not so. lol. Ayun. Kasi bago ako gumawa ng gay blog eh about a year na rin akong nagbabasa at nakikicomment sa mga blogs. Natutuwa lang ako basahin ang magagaling na entries niya. Siya ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagbuo ng blog na ito, gusto ko sa entries, yung nagagamit ko ang kritikal na pag-iisip ko. Gusto ko kasi na kahit papano mai-share na hindi lang ako malibog, may bahagi rin ng pagkatao ko na nag-iisip. A part of me who wanted to make space know whatever I have to say.
Ayun. So, kunwari socially concerned. Lol.
Sana bumalik sila..
PS. the green chair. lol. green breaker nga din pala si ateng.