3.05.2012 | 22:31

Oo na, Martir na Ako

Kapag martir ka, lahat tinatago mo. Gusto mo siya, pero dahil sa dahilang 'di mo alam, sa sarili mo na lang. Para lang umiwas sa mga isyu lalo na kung paborito ng bayan ang tsimis ng buhay mo.

Nakikita mo siya na may kasamang iba, habang ikaw, pasimple na lang na lumalayo at kunwari walang nakita. Pero dahil martir ka nga, titignan mo pa rin sila.. Kahit na ang gusto mo ay sana ikaw na lang ang kasama niya.

Masakit talaga. Ganyan ang pagmamahal eh. To love is to hurt. Things may be impossible but still there is hope because there is something that you keep on holding onto until that something makes you hurt. Bad side is, lalong habang sumasakit, lalo mo pa siyang minamahal. Tangina, malas nga naman.

Kahit pa niloloko ka na, at pinapaasa, bilang isang martir ay kunwaring pipi at bulag na walang narinig at nakita.

Sa mata ng iba, hindi affected.. Pero pag-uwi sa bahay, anong meron? Sa sulok, hihikbi at luluha na lang,  habang walang nakakakita at nakakaalam.

Someone would notice, eventually. At tatanungin ka, hanggang saan ba ang kaya mong gawin para ipaglaban ang pag-ibig na yan? Lahat gagawin ko! Yan ang sagot. Pero ngayon, nasaan na ang lakas ng loob na iyon?

"Dadaanin ko na lang sa iyak. Lilipas din ito."

Nabasa ko sa isang tweet, wala naman daw nakakahiya in professing your feelings for someone. Being in love is a gift. It is a good thing. Ano nga namang nakakahiya, eh mahal mo siya? Ano ang nakakahiya sa isang bagay na hindi naman kasalanan? Nagmamahal lang ako. Ngunit, sa maling tao.

Every teardrop and pain contributes to a deeper connection which would eventually be difficult to dodge.

Sabi ng iba magtira naman daw para sa sarili. Magtira? Sino sila para diktahan ako? Kaya nga nagmamahal dahil mahal mo rin ang sarili mo at gusto mong lumigaya kasama ng taong mahal mo, hindi ba?

Mapagbiro ang tadhana. Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, yun pa ang nagdudusa sa kabila ng lahat ng pagmamahal na kaya nilang ipadama. Wala naman sa kanila ang problema, kung hindi sa taong mahal nila..

Minsan, magagalit ka sa kanya. Pero ilang minuto lang, siya na naman ang nasa isip mo. Babalik at babalik ulit sa kanya. Ilang beses mo man i-deny sa sarili mo, wala kang magagawa. Bihag ka niya.

Lagi na lang kapakanan niya. Pero ako kaya, naiisip niya? Ang sakit isipin na ang taong mahal mo, walang pakialam sa iyo.

Pero ganito naman talaga ang martir. Walang bakit? Paano? Sino? Ano? Ang meron lang,

Mahal na mahal ko siya. Kahit ang sakit sakit na.

20 comments:

  1. Ito ba ang dahilan ng pageemo mo lately? hahaha... You'll be fine. We are here for you, remember that. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks a lot, LJ. yeah, technically yan ang dahilan. hehe

      Delete
  2. The irony of loving someone is that you give them the power to make you smile and happy but at the same time you give them the power to hurt and destroy your life.

    Cheer up. Tomorrow might surprise you. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Works in the way that shits us. But to love is to risk, to accept that it might be happiness or pain. That is what makes it exciting in little doses..

      I'm cheering up, man, and waiting for that surprise. :)

      Delete
  3. ay nko sis... yan ata ang price to pay ng mga kalandian natin.. pero keri lang yan... bilog ang lovelife... gumugulong... hihih!!! misses you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahahaha. Dinamay mo pa ako sa kalandian mo! Hahah. Echoz.

      Tama ka, bilog ang kapalaran sa pag-ibig. Kung hindi man siya, may darating na iba. Miss yah, too! Busy much mo.

      Delete
  4. OMG Joe, I didn't know we're on the same boat.

    Ang sakit talaga na malamang yung taong mahal mo parang walang pakialam sayo. Daig pa ang weather sa pagiging unpredictable. Minsan sweet, pero most of the time, parang wala lang ako kanya. Pero kahit ganon, patuloy pa rin akong umaasa. Kahit alam kong katiting lang yung tsansa.

    Kung martir lang din ang paguusapan, tutumbasan ko yung huling linya mo...

    Mahal kita kahit di mo kayang mahalin. At oo, sinabi ko yan sa kanya ng harap harapan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, with all you said, I've more than proven that we're on the same boat.. Pareho tayong umasa sa isang tao na hindi pala dapat asahan. Ang sakit kaya.

      At bilib ako sa lakas ng loob mo sa last line! Sinabi mo talaga? Kaloka.. Tapos, anong reaction niya?

      Delete
    2. He just said thank you then smiled.

      ang sakeeeeeetttttt! pero ginusto kong sabihin yun so I must bear the consequence.

      Delete
    3. Ouch naman yun. Yan ang ayoko eh. Mas mabuti ng hindi niya alam kaysa harap harapan akong nareject. Martir nga, diba?

      Delete
  5. Ouch, this must not be. Dapat akin ka nalang. Ako ang tunay mong fafa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay! Haha.. hirit na naman ikaw! :D

      Things have to happen if they must happen.

      Delete
  6. Greenbreaker, right now, your feelings for this person are so great.

    Love. Such a deadly four letter word.

    But at some point, you yourself will draw the line.

    Love or live?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, G.

      I would rather live and I did this post because from here, I may be able to draw the line.

      Delete
  7. Relate to death. Chozts. Haha. *Yakap*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naks, parepareho lang tayo ng pinagdaanan. Salamat, Drama King! :) *hugs*

      Delete
  8. ayos to. mahilig ako sa mga post na kagaya neto. kaya plus five sa kin ang blog mo. first time kong dumalaw dito at na impress ako sa kung pano inexpress ang sarili mo. APIR!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! that comment is just very nice! salamat po. i didn't mean to impress anyone, sinulat ko lang po kung ano man ang ginusto kong isulat.. APIR din! :)

      Delete
  9. awwww. *akap*
    yeah, ako din dinadaan ko nalang as iyak when i'm hurting. it's been like a therapy for me.
    hay it's been years na since my last relationship, but i know the feeling.
    at least di mo pa nae-experience ang maglakad sa mall ng umiiyak at lahat ng tao pinagtitinginan ka :D
    pero ewan ko ba. ako di ko pa nakikita yung tao na magpapaka-martir talaga ako ng bonggang-bongga. ako kasi when the other messes up (meaning may kinikitang iba) eh i break it off na. so i guess i haven't found my true love pa. san marino corned tuna palang nahahanap ko sa groceries. chos! :D
    nice post ah! you've got a new follower :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat pala sa comment na ito! haha medyo natawa ako pero dama ko na minsan, pareho tayong dumaan sa ganitong sitwasyon..

      Delete

so... what's your take on it?

Unquote Joe

Most of the time, tact is not for the intelligent. It takes a great deal of 'being there' to realize that something else is going on.
+++
Albeit Greatness speaks of an effort-filled voyage, the shortest trail en route is the way down.

The Tweet-ter

Follow me @green_breaker

Cohorts


Popular Posts