8.01.2011 | 20:23

Tatlong Patak ng Luha


Ilang araw na ang lumipas buhat ng masilayan
Walang hapis na sakit, damdaming di inaasahan
Sadlak sa hinagpis, pusong uhaw aking nilululan
Tatlong patak ng luha mistulang kita'y inalayan


Ang unang patak na ito ay alay ko sa 'yong ngiti
Muli't muli'y babalikan at iidliping parati
Kung ika'y humagalpak, akala'y walang bukas lagi
Ako'y asong ulol, naglalaway sa 'yong pulang labi


Ang pangalawang luha ay dahil sa iyong ginawa
Ako ay lubos sa pagmamahal, ika'y nagsasawa
Bakit nga ba ganito kapag ika'y isang timawa,
Mga bagay, makuha mo man, agad ring nawawala?


Ikatlo, pagkat 'di na makahahanap ng tulad mo
Ika'y walang kasing ganda, mabango at matalino
Tiyak na nag-iisa ka lang, ikutin man ang mundo
Iyak na lang, iyak, puso kong sinaktan mo ng todo.


+++

Ang tulang ito ay ginawa ko bilang paglahok sa patimpalak ni kaibigang Iyah.

Unquote Joe

Most of the time, tact is not for the intelligent. It takes a great deal of 'being there' to realize that something else is going on.
+++
Albeit Greatness speaks of an effort-filled voyage, the shortest trail en route is the way down.

The Tweet-ter

Follow me @green_breaker

Cohorts


Popular Posts