7.31.2011 | 13:24

Take It All

Lahat ng tao ay may pinagdadaanan sa isang bahagi ng panahon. Ngayon, sa puntong ito, isa lamang ako sa mga taong may mga pagsubok sa buhay na dapat kaharapin.. Mahirap magsalita: Napakaraming mapanuring mata ang nakapaligid at kahit naisin mo man na gawing bukas ang lahat, ay laging may pipigil sa iyong kalayaan..

Marami na rin akong napatunayan sa aking sarili. Marami na akong pagsubok na matagumpay ko namang pinagdaanan. Ngunit sa panahong ito, sa tingin ko ay may isa akong higit dapat asahan at kapitan. Siya lang naman ang kinakapitan natin kapag tayo ay natatakot, o kaya ay lubhang nalulumbay at pakiramdam natin ay wala na tayong pupuntahan.

Nais kong ibahagi ang awitin na ito na may magandang kahulugan para sa akin. Para sa Kanya lang ako nabubuhay, at nais kong kunin Niya ang lahat ng papuri ko para sa Kanya.


Nawa ay malagpasan ko ito. Wala akong ibang nanaisin kung hindi ang pagsilbihan Siya sakali mang matapos ko ang kabanatang ito ng aking pagkatao.

Gusto ko din palang mag-share ng isang verse, sa palagay ko dapat natin itong lubos na unawain at isapuso.

Submit yourselves therefore to God. Resist the devil, and he will flee from you.
:: James 4:7, KJV

Lord, kung ano man po ang mga pagkukulang ko, patawarin niyo po ako. Maaaring hindi ko iyon sinasadya o kaya ay lubos lang akong naungusan ng aking kabataan. Hinihiling ko lang po na sana, tulungan niyo akong malagpasan ito. Inaalay ko lang sa Iyo ang lahat.

Siya nawa.

22 comments:

  1. *hugs* ay baka bawal....

    God Bless you green... hope malagpasan mo yan... kaya mo yan... pray lang ng pray..


    :)

    ReplyDelete
  2. aww. with God you'll be fine. ALWAYS. :)

    ReplyDelete
  3. eg: hehe, ok lang yun. salamat ah.


    shenanigans: i hope i am.


    tantan: i know... thanks for reading on. :)

    ReplyDelete
  4. hayaan mo wala naman pagsubok SIYA na binibigay sakin na di natin kaya....

    just hold on my friend.

    aayos din ang lahat soon ;-)

    ReplyDelete
  5. Mac: Thanks my friend. Tama ka diyan, at sa dahilang "wala siyang binibigay sa atin na hindi natin kaya" ako nanghahawakan. Malalagpasan ko to, mapagtatagumpayan ko rin to..

    ReplyDelete
  6. hey there Joe.. i sent you an email.. i hope you're ok.. *hugs*

    ReplyDelete
  7. hindi ko alam ang ipapayo bespren, ayokong sabihin ang cliche na kaya mo yan kung hindi ko naman lubos na naiintindihan ang iyong pinagdadaanan...

    pero andito lang ako ha? one text away. :)

    ReplyDelete
  8. Nate: Salamat. Alam ko rin yun, pero masyado kasing malungkot ngayon, baka magbreakdown na ako pag yun ang nilagay ko.. Gayunpaman, I appreciate it.. really.


    Bespren: Hmmm. naiintindihan ko ang gusto mong sabihin.. hindi ko lang ma-verbalize, basta.. magtetext ako sayo pag di ko na talaga to kaya..

    ReplyDelete
  9. whatever could be troubling you, you'll get over it..at tuwing mag pray ako, pag pray ko din kita :)

    ReplyDelete
  10. Nawa'y malampasan mo ang iyong pinagdadaanan.

    ReplyDelete
  11. pasasaan bat malalagpasan mo rin yang pinagdadaanan mo. lagi ka lang magtiwala sa Kanya. :)

    ReplyDelete
  12. Gambate green! Suportahan ka ng dyosang ito ol the way!

    ReplyDelete
  13. may hiv ka?

    ReplyDelete
  14. bespren: i'll text you, soon. :)


    Zaizai: salamat kaibigan! :D


    Mugen: Siya nawa. Salamat.


    JC: tama ka diyan, kaibigan. Lagi ako nagtitiwala sa Kanya.. thanks.


    Wil: Arigato gozaimasu, tomodachi~


    Anonymous: Whhhhaaaaaatttt? Hahaha. Grabe naman yan! Haha, wala akong ganyan. :)

    ReplyDelete
  15. Right decision. Seek light and guidance from Him! Magkakasundo tayo pag dating sa mga bagay na ganto! :D

    ReplyDelete
  16. this too shall pass. kaya mo yan kapatid.

    ReplyDelete
  17. uyyy green ... whatever it is , I know you'll overcome this with the help of God ... have faith ... I want you to know that we are same in having faith in Him ... take care ...

    ReplyDelete
  18. kung ano man ang pagsubok na iyan, dasal ko na maluwalhati mong malagpasan. *hugs* :)

    ReplyDelete
  19. Kuya Ron: Tama. Palagi pong ganun ang ginagawa ko.. Salamat talaga sa Kanya.


    Bien: Thank you din po.. Lilipas din ito, tama ka..


    Edgar: I appreciate your effort sir, thanks for the kind and reassuring words.. I'll keep those with me.


    Aris: Maraming salamat din po.. Sana nga, malagpasan ko na ito.. :')

    ReplyDelete
  20. Kaya yan brad =D Let's just do waht we can and trust the Lord for the rest.

    ReplyDelete

so... what's your take on it?

Unquote Joe

Most of the time, tact is not for the intelligent. It takes a great deal of 'being there' to realize that something else is going on.
+++
Albeit Greatness speaks of an effort-filled voyage, the shortest trail en route is the way down.

The Tweet-ter

Follow me @green_breaker

Cohorts


Popular Posts