7.21.2011 | 21:53

Stresses, Funs

FRIDAY

Syempre, may exam kami kada Friday sa Basketball. Takte kasi, bakit ba kelangan pa ng dunking exercise eh di naman ako katangkad. Sana, three-pointers na lang. Kaya lang, ewan ko ba. Napapagod na ako magbasketball ngayon. Hindi kaya dahil sa yosi which I took three days ago? Of course I tried it out of curiosity. NAKAKASTRESS! Hinihingal ako. Di ko na uulitin yun.

Pumunta ako agad sa Spain at sumakay ng jeep papuntang Philcoa. Okay, ano na naman tong restructuring na to? Pauso talaga. Buti na lang walang pila sa jeep pa-UP Campus. Okay. Baba ako sa FC. Takte. Pahirapan bumaba, kasi nasa likod ako ni Manong driver. Dala ko pa naman yung Calculus book ko. Pagbaba ko, nakita ko si *insert HS classmate here*, kaway kaway. May kasamang orgmates. Ayoko na makigulo. Sapat na ang magkita kami.

Ang tagal ni *insert ex-girlfriend here*. May saglit na meeting lang daw. Tapos pinapapunta ako sa tambayan. Eh, naka-school shirt ako eh. At wala akong ID. Baka magtanong si manong guard. Tapos, yung mga bata na nangungulit. Nung unang beses ko magpunta dito, cute pa sila. Ngayon, naalibadbaran na ako sa pagmumukha nila.

Oookay. Katatapos lang pala nung Run. Haha.

Naggala lang kami. Nag-stay muna sa Palma Hall. Nakita kami ng orgmate niya na si *insert ex-girlfriend's orgmate here*. Sobrang friendly niya. Twice ko pa lang siya nakita pero feeling close na agad. Hindi yun negative ah, magandang katangian nga yun eh. Pero parang negative nga. Ayoko pumwesto sa gitna nila pero dun siya sa left side ko. Anooo toooooh. Peste. Nakakaramdam na si *insert ex-girlfriend here*. Bumulong, este, hinalikan yung tenga ko. Na-awkward si orgmate. May pupuntahan daw na isa pang org. Sabi ni gf BS ORG daw ang course nun. At medyo iba talaga siya maging friendly, yung touchy type. Kaya pala.

Takte. Pinilit kong iwasan ang daan katapat ng FC. Magdidilim na nun. Okay, UP got us in. Wala ako nagawa. Mahina ako sa pagpipigil. May gwardiya! Takte. Inilawan kami ng flashlight. Err. Panic. Sabi niya kay manong taga College of Music kami. Haha, eh, naka-Engineering shirt ako. Buti di naman napansin ni kuya. Sabi lang niya, wag daw kami dun kasi malamok. Wow ha. Concerned.

Edi nag-shake na lang kami dun sa dinadaanan papuntang football field. Pampalubag loob sa naudlot na something. Napansin ko na may dalawang babae na nag-gigiggle. Parang malanding giggle. Ang gf ko, sobrang possesive nun. Tinignan sila ng masama. Takte. BUKAS ANG ZIPPER KO! Kaya pala.. Hay.

O siya. Next week ulit. May exam na naman sa Calculus at sa Electromagnetics. Balak ata kami patayin ng maaga.


+++

excerpt of a blog post from my Blogger blog, December 2007.

19 comments:

  1. tsk tsk. haha

    text ka pag asa UP ka! :)

    ReplyDelete
  2. Bespren: Noong 2007 pa kaya to! haha. iwas pa ako sa UP. baka makita ako ng mga ex ko jan. lolz :P

    ReplyDelete
  3. went to UP last week. kaya lang hindi nakapag-gala sa AS. went straight to Econ.

    next time, might I suggest the sunken garden lagoon? hehehe. may milagro pa bang nangyayari dun?

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Travis: Haha, ayoko na rin sa Lagoon! Nyemas. Marami paring kalokohan dun pero puro high school! ewan ko ba.

    ReplyDelete
  6. @joe: ay.. you got me at "naudlot na something".. hahaha! :P

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Nate: Ahaha. gets ko na. LOL :D

    Nagets mo ba? Parang di naman. Sige nga, ano yun? hahaha

    ReplyDelete
  9. @joe: hanubeh?!! naudlot na ano.. tambay.. naudlot na "pagtambay".. ganyan.. ahahaha!

    dapat next time na "tatambay," wag kalimutan to zip up... :P

    ReplyDelete
  10. Nate: bravo! haha. ang galing namin tumambay no? hihi :D

    pero i'd take that very nice advice you got. :))))

    ReplyDelete
  11. @joe: ahahaha! you naughty naughty boy... hmf! dapat sa 'yo, palo sa pwet! hehehe.. :P --- "ang galing namin tumambay no? hihi"

    ReplyDelete
  12. Nate: Ob corz. Naughty naughty nasa dugo ko na yan. hehe. di na mapipigil kung baga.

    ReplyDelete
  13. may experience din ako na ganyan... sa uste naman

    ReplyDelete
  14. dalawa ang pumasok sa isip ko sa verb na "nag-shake" hahahahaha

    @Travis - i should've known na econ ka. halos lahat ng OTP galing sa bldg na yan. LOL

    ReplyDelete
  15. naudlot na what?!! lels!

    ReplyDelete
  16. Shenanigans: Ahaha, ikaw na ang may experience.


    Nimmy: Siguro napakabusilak ng naisip mo, ikaw pa. :D PEACE!


    Iya_khin: Ahahaha. Walang naudlot. Nakalimutan ko na rin kung ano man yung naudlot na yun. BWAHAHAHA ching!

    ReplyDelete
  17. so "mga" ex ang term ganun? wahahha!

    Bakit kaya tumawa yung dalawang gurlz? whahaha!!!
    *evil_smile*

    hmmmp... mukhang nagegetz ko na yung school mo. nyaha!

    ReplyDelete

so... what's your take on it?

Unquote Joe

Most of the time, tact is not for the intelligent. It takes a great deal of 'being there' to realize that something else is going on.
+++
Albeit Greatness speaks of an effort-filled voyage, the shortest trail en route is the way down.

The Tweet-ter

Follow me @green_breaker

Cohorts


Popular Posts